After manganak naging mainitin ang ulo

Home Forums General Discussion After manganak naging mainitin ang ulo

Viewing 1 post (of 1 total)
  • Author
    Posts
  • #1080
    Mommy Thoughts
    Keymaster

    Hello po. Need advice. Almost 5 years po kaming magkarelasyon ng partner ko. Masasabi kong sobrang minahal nya ko. Nagkababy kami and she is now turning 1 year old next month. After manganak naging mainitin ang ulo ko, hindi ko naasikaso ang partner ko ng tama. I became a toxic partner. One time nag iinuman sila ng mga kamag anak ko sa sobrang inis ko pinahiya ko sya. Sinigawan nya ko at nasaktan ko sya. Hanggang sa hiniwalayan nya ko dahil dun. Hindi ko matanggap kaya pilit akong nakikipag ayos pero ayaw na daw nya talaga. Dun na sya tumutuloy sa pamilya nya. Pero sa tuwing binibisita nya baby namin, may nangyayari pa rin samin. Ilang beses ko naman sya tinanong sabi nya ayaw na daw nya ko makasama. Ayokong lumaki ang anak ko na sira ang pamilya nya pero kahit anong gawin ko ayaw na nya talagang ayusin pa. Hindi ko maintindihan kung galit lang ba sya kaya nya nasasabi yun o wala na talagang pagmamahal. Dalawang buwan pa lang po kaming hiwalay. Gulong gulo na po isip ko. Ano po ba maganda kong gawin?

Viewing 1 post (of 1 total)
  • You must be logged in to reply to this topic.