Palaiyak na 3 yr old Baby Girl, Ano ang pwedeng gawin?

Home Forums General Discussion Palaiyak na 3 yr old Baby Girl, Ano ang pwedeng gawin?

Viewing 1 post (of 1 total)
  • Author
    Posts
  • #1085
    Mommy Thoughts
    Keymaster

    Hi Ka-MT. Please hide my identity.
    I have a problem right now about my 3 year old baby girl 😔 Sobrang tigas na kasi ng ulo nya. As in. Hindi lang matigas ang ulo, may pagka-salbahe pa. May mga times na sinasaktan nya yung 1 year old na kapatid nya. She doesn’t even know how to say “po” and “opo”. At ang worst pa, at her age hindi sya mapakiusapan. Wala na kong magawa sa bahay kasi, magsasampay lang ako sa labas ng bahay, iiyak na. Iihi lang ako, iiyak na. Tatayo lang ako sa kama iiyak na. Ultimo kapag ayaw nya palabas, iiyak sya. Pag magsasabi sya na kakain sya, iiyak sya. Lahat ng bagay iniiyakan nya. Hindi lang basta iyak mga ka-MT, iyak na mahihirapan na syang huminga gawa ng sobrang iyak. Ganon. I am trying to compare her sa bunso pero ibang iba yung bunso sakanya. Ano po bang gagawin ko dito? Palaki kasi to ng lola & lola nya. Umalis kasi ako before kaya sya nasa grandparents nya. Di ko alam eh, kung pano. Pero para syang laging takot. Sinabi nya sakin before na lagi daw galit lola nya sakanya and also pinapalo sya nung mga yun. Please help me mga momshies.

Viewing 1 post (of 1 total)
  • You must be logged in to reply to this topic.